2 Chinese na sangkot sa human trafficking, naaresto ng NBI sa Rizal

Nailigtas ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na indibidwal, kabilang ang isang Malaysian National na biktima ng human trafficking, sa Greenwoods Executive Village, sa Taytay, Rizal.

Nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng reklamo ang NBI mula kay Jinwen Yang, na ang kanyang kaibigang si Siaw Ping Lim na isang Malaysian ay sapilitang ikinulong at pinagtatrabaho ng kanyang Chinese employer.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Ang kumpanya, ayon kay Yang, ay sangkot sa isang online scam na nag-ooperate mula sa isang residential na bahay sa Taytay, Rizal, kung saan ang mga dayuhang empleyado ay hindi pinapayagang lumabas ng gusali at kinumpiska ang kanilang mga pasaporte.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Agad na nagsagawa ng surveillance ang NBI matapos makumpirma ang lokasyon ng mga biktima at matagumpay na nailigtas ang apat na dayuhan habang naaresto ang dalawang suspek na Chinese.

Kulong ang mga suspek at sinampahan na ng kasong Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.