Dating DSWD Secretary Dinky Soliman, pumanaw na

Pumanaw na si dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary Corazon “Dinky” Soliman Linggo ng umaga sa edad na 68 anyos. 

Kinumpirma ni Vice President Leni Robredo ang malungkot na balita sa kanyang radio show. 

Binanggit ng panagawalang pangulo ang naging papel ni Soliman sa pagpapalawig ng coverage ng DSWD para sa cash aid para sa mga low-income families. 

Read More:  Marcoleta drops ‘Senator’ title for Ping Lacson

Nagsilbi si Soliman sa DSWD noong panahon nina dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo at pumanaw na si Benigno “Noynoy” Aquino III. 

Nagtapos si Soliman mula sa University of the Philippines at Harvard University. 

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang mga mambabatas sa pamilya ni Soliman gaya nina Senador Francis Kiko Pangilinan, Senador Richard Gordon, Senadora Risa Hontiveros, at Senador Panfilo Lacson kung saan inalala nila ang mga nagawa ni Soliman.

Read More:  VP Sara: government should prioritize needs of ordinary Filipinos amid political noise

Kabilang dito ang tulong ng dating opisyal sa humanitarian relief, paglaban sa korapsyon at human rights abuses, pati na ang pagtulong sa rehabilitation efforts sa Typhoon Yolanda.