Handa ang dating opisyal ng budget department na humarap sa pagsisiyasat ng Senado kaugnay sa P42-billion na pondo na inilipat ng Department of Health sa kaniyang opisina.
Ipinunto ng ilang senador na kulang ang memorandum of agreement nang maipasa ang nasabing pondo sa Procurement Service ng Department of Budget and Management.
Kinwestyon rin ng mga senador kung bakit meron mga items ang nabili ang ahensya na til ay overpriced, kabilang na ang anti-virus masks na P27 kada isa at face shields na nagkakahalaga ng P122 bawat isa.

Binigyang diin ni Undersecretary Lloyd Christopher Lao, na undersecretary na nanguna sa PS-DBM nang mangyari ang transaksyon, na responsibilidad niya na dumalo sa Senate hearing.
Tiwala naman anya siya sa objectivity ng Senate Blue Ribbon Committee, at sa tingin niya ay tamang venue ang Senado upang mabigyang linaw niya ang mga pangyayari.
Mababatid na sinabi ni Lao na hindi na kailangan ang memorandum of agreement sa transaksyon dahil kinokonsidera bilang “common supplies” ang mga nasabing kagamitan na regular na napo-procure, katulad ng laptops, ball pens, toilet paper, at rubbing alcohol.
Ipinaliwanag niya na ang PS-DBM na ang bumibili sa mga nasabing kagamitan para sa mga ahensya dahil karamihan nito ay walang regular na procurement process.