LEGAZPI CITY – Isasagawa ng Commission on Populations and Development Bicol ang kanilang libreng Family Planning Services ngayong araw sa isang mall sa lunsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay.
Sa isang Facebook post ng nasabing ahensiya, ang aktibidad ay magsisimula nang alas-10 nang umaga hanggang alas-5 nang hapon.
Dagdag pa rito, mayroong libreng one-on-one counselling mula sa ating Family Planning Services Providers upang malaman ang mga dapat na metodo sa Family Planning.
Mamamahagi rin ng libreng pills, condoms, injectables at implants para sa mga dadalo sa gawain.
Samantala sa ibang balita, sinimulan na kahapon ang Baby Momma Family Activity ng Department of Health sa pakikipagtulungan sa Albay Provincial Health Office para sa pagdiriwang ng National Breastfeeding Month.
Isinagawa ito sa isa ring maal sa nabanggit na lunsod kung saan nagkaroon din ng pagbabakuna.