Binalaan ni Department of Health (DOH) Undersecretary Ma. Rosario Vergeire ang lahat ng dadalo sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na dapat ay bakunado at boosted na ang mga ito.
Hinimok ni Vergeire ang mga dadalo na magdala ng disinfectant alcohol at sundin ang tamang pagsusuot ng face mask.

Aniya, base sa pag-aaral, ang pagsunod ng mga Pilipino sa minimum public health standards ay bumaba ng 21%.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang DOH sa mga LGUs at Department of the Interior and Local Government (DILG) na palakasin ang implementasyon ng naturang guidelines.
(ARGIE ERGINA)