Dapat ipagpatuloy ang face mask rule at mag-set ng vaccine deadlines – Concepcion

Iginiit ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion kabilang ang ilang economic at health experts na dapat ipagpatuloy ang face mask rule at mag-set ng vaccine deadlines sa bansa.

Sinabi din nila na dapat gamitin ang hospital utilization rates para sa pagpapatupad ng alert levels upang maiwasan ang pagsipa ng kaso ng Covid-19.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Kaugnay nito, kabilang sa Advisory Council of Experts (ACE) na tumalakay dito ang ilang expert individuals mula sa medicine, public health, economics at research and data analytics.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Samantala, ayon kay Concepcion panahon na para gumawa ng mas malinaw na daan sa pagbabalik ng Pilipinas sa state of normalcy mula sa ilang taon na paghihirap dahil sa naturang sakit.

(ARGIE ERGINA)