DOH, hiniling sa susunod na administrasyon na ituloy ang ‘science-based health implementation’

Hiniling ng Department of Health (DOH) sa susunod na administrasyon na ituloy ang ‘science-based health implementation’ kaugnay sa pagpapatupad ng public health policies.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pagpapalaganap ng misinformation at disinformation ang ilan sa mga pagsubok na kinakaharap nila sa gitna ng Covid-19 pandemic.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Aniya, dapat ipagpatuloy ang paggamit ng siyensya at ebidensya sa lahat ng desisyon at polisiya kaugnay sa naturang sakit.

Read More:  Classes suspended at San Jose National High School in Tacloban

Samantala, sinabi niya na sa tulong nito, magiging credible ang nagbibigay ng impormasyon sa publiko maging sa implementing units nito. (ARGIE ERGINA)