Passenger boat, nagliyab, tumaob sa Bohol; 1 patay, isa nawawala

Nagliyab ang isang passenger boat na may lulang 165 na mga pasahero at crew members, bago ito tuluyang tumaob sa Pres. Carlos P. Garcia, Bohol, Linggo ng hapon, June 26.

Ang passenger boat na Mama Mary – Chloe ay naglalayag sa bisinidad ng karagatan sa pagitan ng Tugas Island at Tilmobo Island nang bigla itong nagliyab.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard, ang naturang vessel ay may kabuoang sakay na walong crew members at 157 pasahero kung saan 15 dito ay mga bata.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sinabi naman ng PCG Station Eastern Bohol, na narescue ang nasa 163 pasahero at crew, pero may napaulat na isa ang patay habang may isa pang nawawala.

Sinasabing galing ang vessel sa Ubay, Bohol at papunta sana sa Bato, Leyte.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ang dahilan ng insidente. //MHEL PACIA