Dambuhalang labanos sa Japan, kinilala bilang “World’s Largest Radish”

Kamakailan lamang ay kinilala at nakakuha ng Guinness World Record title ang isang kompanya sa Japan dahil sa pagpapatubo nila ng pinkamalaking labanos sa buong mundo.

Idineklara nga ito bilang “World’s Largest Radish” kung saan, isinagawa naman ang pagberipika nito sa HAKKO Park sa Onomichi City, Hiroshima Prefecture.

Dahil sa laki nito, bago ito nabunot mula sa lupa ay kinailangan muna ito pagtulong-tulungan ng apat na tao.

May bigat nga itong 45 kilos at may lapad na 113 centimeters habang ang ugat naman nito ay may habang 80 centimeters.

Ayon naman sa tagapagsalita ng naturang kompanya, 6 na buwan nila itong pinalaki sa tulong ng kanilang mga produktong fertilzers imbis na 3 buwan na pangkaraniwang tagal ng pagpapalaki nito.

Nag-apply rin umano sila sa Guinness organization, upang ipaalam sa buong mundo na may kakayahan ang kanilang kompanya na makapagpalaki ng labanos at iba pang uri ng gulay.###WENCY LISAY