Dalawang lalake huli sa akto nagsasagawa ng illegal na tupada

LEGAZPI CITY – Arestado ang dalawang katao sa Purok-3, Brgy. Bongalon bayan ng Daraga, Albay dahil sa ilegal na pagtutupada. Kinilala ang mga suspek na sina Danny Mendioro Loria, 42-anyos at si Manuel Mendioro Loria, 43 anyos parehong residente ng Purok 1, Brgy. Kidaco ng nasabing banwaan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

 Ayon sa report, hapon ng ikasa ng mga awtoridad ang Anti – Illegal Gambling Operation kung saan naaktohan ang mga suspek na nagsasagawa ng pagtutupada dahilan para arestohin ang mga suspek. Narekober sa kanila ang dalawang sugatan na panabong na manok at dalawang gaffs at pera na ginamit sa pagsusugal.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

 Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa PD 449 o ilegal cockfighting law ang mga suspek ang mga salarin ay dinala na sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.