Inihayag ng Department of Agriculture – Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) na dalawang kutsarang kanin ang nasasayang ng bawat tao sa araw araw.
Ayon kay DA-PhilRice Deputy Executive Director Dr. Karen Barroga, nagkakahalaga ito ng humigit-kumulang 7.2 billion pesos sa isang taon.

Dahil dito, 46 Local Government Units (LGUs) ang nagpapatupad ng mga ordinansa tungkol sa paghahatid ng kalahating tasang bigas, at ilan sa mga probinsyang ito ay nakipag-ugnayan sa DA Philrice upang masiguro ang hindi pagsasayaang ng kanin sa araw araw.
Ipinagdiriwang ng Pilipinas ang National Rice Month Awareness tuwing Nobyembre alinsunod sa Presidential Proclamation No. 524 na nilagdaan noong ika-5 ng Enero, 2004.