Iimbestigahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang mga ulat na kulay dilaw na tubig mula sa Maynilad Water Services Inc.
Sinusubaybayan ng MWSS Regulatory Office (MWSS-RO) ang pagdagsa ng mga reklamo ng customer sa social media hinggil sa napaulat na “poor aesthetic” na kalidad ng tubig.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa Maynilad para matukoy ang ugat ng iregularidad at maipatupad ang anumang kinakailangang corrective actions.
Kinumpirma naman ng tagapagsalita ng Maynilad na si Jennifer Rufo na ang sanhi ng madilaw-dilaw na supply ng tubig sa ilang bahagi ng concession area ng kumpanya ay dahil sa mas mataas na manganese sa raw water na dumadaan sa mababang antas ng lagusan ng Angat Dam.