Kinumpirma ng Department of Health na na-detect na sa Pilipinas ang kauna-unahang kaso ng Omicron BA.5 subvariant sa Pilipinas.
Sa Media Forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dalawang mga kaso nito ang naitala sa Central Luzon.
Nagpositibo ang mga ito noong May 15, 2022; at nag-isolate mula May 16-30.
Ang mga infected individuals ay walang record ng travel history maliban na lang sa pagpunta nito sa isang election precinct sa Metro Manila.
Natukoy ang dalawang close contacts kung saan ay nagpositibo ang isa rito.
Kaagad namang nag-isolate ang dalawa nang makaranas ito ng ubo at sipon; ngunit ngayon ay asymptomatic na at pasok na sa ‘recovered individuals’.
Matatandaang noong nakaraang buwan nang makumpirma sa Pinas ang BA.4 subvariant.
Ang BA.4 at BA.5 ang mga subvariants na sinasabing dominant variant na nagdulot ng surge sa South Africa.
#