Mambabatas, naniniwalang hindi pa panahon para alisin ang mask mandate sa bansa

Naniniwala ang ilang mga mambabatas na hindi pa napapanahon para tuluyan nang alisin ang mask mandate – o ang mandatory na pagsusuot ng face masks.

Ito ay makaraang imungkahi ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion na magluwag na sa mga health protocols dahil sa mababang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Ayon kay Senate Committee on Health Senador Bong Go, masyado pang maaga para i-lift ang mandatong ito.

Premature pa rin aniya kung i-lift na ang state of public health emergency.

Giit ng Senador, hindi pa rin naman tuluyang nawawala ang pandemya.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Ang kailangan aniya sa ngayon ay palakasin pa ang bakunahan sa bansa, at paramihin pa ang mga nakakapagpa-booster shots.

Matatandaang iminungkahi nang alisin ang mask mandate lalo na sa mga outdoor areas.

Paliwanag ni Concepcion, makatutulong ito para para mas mapabilis ang pagbubukas ng ekonomiya.
#