NAGA CITY- Kinausap na ng Naga City security cluster ang mga pamunuan ng mga malls at establishments partikular na mga chief ng security agencies upang i-check ang booster card ng mga papasok sa Peñafrancia Fiesta.
Ito ang kinumpirma ni PLt.Col Errol Garchitorena , Deputy City Director for Operations ng Naga City Police Office sa joint press conference kahapon. Ito ang magiging tulong ng mga establishments sa PNP na magrarandom checking naman sa open spaces.
Bukod riyan, pati mga bars ay aatasan din na hanapin ang booster card sa mga papasok na costumers.
Kung hindi man papasok sa mga establishments, isasabay ito sa random check point.
Bukas ang SM City Naga para sa mga nais magpabooster shot.
Sa Joint statement kasama ang Archdiocese of Caceres hiling nil ana bakunado ang mag dadalo sa mga religious events.