Dalawang COVID-19 Delta variant cases, na-detect sa Bohol

Inanunsyo ng mga otoridad na na-detect ng probinsya ng Bohol ang unang dalawang kaso nito ng Delta COVID-19 variant.

Ayon sa Bohol Inter-Agency Task Force (BIATF), ay na-detect sa lungsod ng Tagbilaran at bayan ng Candijay ang mga nasabing kaso ng Delta variant.

Sinabi ng BIATF na mula sa Barangay Ubujan ang unang kaso, ngunit nagtatrabaho ito sa labas ng Tagbilaran.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Ipinunto ng task force na nagkaroon ng contact ang pasyente sa isang infected na kaso, ngunit naka-recover na ito ngayon.

Tinukoy naman ng task force ang pangalawang kaso bilang Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Barangay Pagahat.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Inihayag ni Jeryl Lacang-Funtes, Candijay municipal disaster risk reduction management officer, na magaling na ang pasyente bago ito dumating sa Bohol, at sumailalim rin ito sa quarantine sa Pampanga.

Samantala, bukod sa Delta variant ay naitala rin sa nasabing probinsya ang isang Alpha variant case na unang natuklasan sa UK, walong Beta o kilala rin bilang South African variant, at 14 na P3 o variant under investigation.