Sunog, sumiklab sa Sta. Ana, Maynila

Isang sunog ang sumiklab sa isang residential area sa Sta. Ana sa Maynila kaninang umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), naapektuhan nito ang mga kabahayan sa Onyx Street malapit sa Sagrada Familia sa Barangay 775.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Unang iniulat ang sunog bandang 6:12 ng umaga.

Mabilis ang pagkalat ng apoy kaya’t itinaas pa ito hanggang ikaapat na alarma.

Read More:  DENR monitors poor water quality near Navotas Landfill

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP sa sanhi ng sunog at halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.