Dalawang bata sa Botolan, Zambales, patay rin dahil sa dengue

Namatay ang dalawang bata sa bayan ng Botolan, Zambales dahil sa dengue.

Ito ay maliban pa sa dalawang patay na naitala ng Provincial Health Office na mula naman sa mga bayan ng Iba at San Narciso.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Ayon kay Botolan Mayor Bing Maniquez, mahigit apatnapu na ang naging kaso ng dengue sa bayan simula noong Enero at dalawang bata na ang namatay bago pa magsimula ang tag-ulan kung kailan mas marami ang lamok.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Sa tala ng Provincial Health Office, mahigit animnaraan na ang naging kaso ng dengue sa probinsya ng Zambales ngayong taon.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of fruit