Camarines Sur kasama na sa pilot sites ng RAP sa bansa

NAGA CITY- Kasama na ang Camarines Sur para sa pilot testing ng Register Anywhere Project (RAP) ayon sa Commission on Elections (COMELEC)- Camarines Sur.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay COMELEC Spokesperson Atty. Julibeth Salvadora sinabing sa proyektong ito maaaring magparehistro ang ang sinuman kahit na hindi residente ng lugar kung saan ang venue ng proyekto.

Inihalimbawa ni Rushell Pedres, Acting Election Officer ng RAP Team ang mga residente ng Catanduanes na nagawi sa venue na kwalipikado nang botante, puwedeng magparehistro sa RAP pero ang mga taga Naga ay hindi tatanggapin bagkus papauntahin sa COMELEC Office mismo ng Naga City.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Magsisimula ito sa Disyembre 17, 2022 hanggang sa Enero 22, 2023 sa Robinson’s Mall Naga City, bawat Sabado at Lingo maliban sa Christmas at News Year Break.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Una nang inanunsyo ng COMELEC na naglatag sila ng pilot sites para sa RAP sa limang piling malls sa National Capital Region (NCR). Samantala sinabi ni Salvadora na wala pa silang target na bilang ng mga magpaparehistro para sa SK at Barangay Elections. Tulad ng dati tutungo pa rin sila sa mga barangay at paaralan bilang parte ng satellite registration, kasama rin sa pupuntahan ang mga piitan o  Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).