Dalawang araw na ‘Special Vax Days, ‘ kasado na

SORSOGON CITY – Kasado na ngayong araw at bukas, Abril 26 ang gagawing dalawang araw na ‘Special Vaccination Days.’

Ang dalawang araw na bakunahan ay sabayang isasagawa sa 6 na probinsya sa rehiyon.

May layunin itong mas lalo pang mapataas ang vacination rate at coverage ng bawat lalawigan para makamit ang target na herd community.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa lalawigan ng Sorsogon, as of April 21, ay kulang na lang ng 1% at mapapabilang na ito sa Alert Level 1, kung kaya’t hinihikayat ng Provincial Health Office (PHO) ang lahat ng mamamayan na makilahok sa ikakasang dalawang araw na bakunahan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa nagnanais na magpabakuna, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa kani-kanilang LGUs upang malaman ang vaccination sites sa kanilang lugar.

Ang 2-day Special vaccination Day ay may temang ‘’Basta Bikolano, Bakunado, Protektado!”