Dahil sa umiiral na mga election-related violence incidents, isinailalim na ng Comission on Elections sa kanilang kontrol ang buong Lalawigan ng Misamis Occidental at ang bayan ng Pilar sa Abra.
Sa multi-agency send-off ng mga security forces sa Kampo Krame, kinumpirma ni COMELEC Chairperson Saidamen Pangarungan na matapos ang rekumendasyon ng Regional Joint Security Control Center – Region 10, at ng isa bang kumite ng poll body, inilagay sa ‘COMELEC under-control category’ ang Misamis Occidental.
Aprubado rin ang rekumendasyon ni CAR Regional Election Director Ederlino Tabilas hinggil sa petisyon ni Mayor Maro Somera na kaagad nang isailalim ang Pilar, Abra sa kontrol ng COMELEC.

Mababatid na inilalagay ang isang area sa kategoryang ito kung mayroong naitalang election related violence o intense political rivalry.
Sa ngayon, labing dalawa na ang mga lugar na nasa ilalim ng COMELEC control.
Samantala, sa mensahe Pangarungan sa mga law-enforcers, nanawagan ito ng pagkakaisa at pagtutulungan para masiguro ang mapayapa at matiwasay na halalan.
#