Nakatakdang bumo ang Philippine National Police ng isang grupo na tututok sa pagtugis ng talamak na pagbili ng mga Botos.
Ayon kay Interior Undersdecretary Jonathan Malaya, nakapag-isyu na sila ng isang memorandum kung saan ay magkakaroon ng ‘anti-vote buying teams’ sa iba’t ibang mga LGUs.
Giit ni Malaya, noong mga nakaraang halalan daw kasi, ang lahat ng vote-buying complaints ay idinederekta na sa COMELEC at hindi tiyak kung naaksyunan ba ang mga ito.

Aniya, katuwang ang PNP ay bubuoin ang task force na ito para maitalaga sa mga lungsod at bayan sa bansa; at pati na rin sa lahat ng mga congressional districts.
Sabi ni Malaya, ang grupong ito ang siyang tatanggap ng mga tawag at reklamo mula sa publiko kung sila ba ay nakatanggap, o nakakita ng insidente ng pagbili ng boto.
Mababatid na una nang itinatag ng COMELEC ang isang inter-agency task force na kung tawagin ay ‘Task Force – Kontra Bigay’.
#