Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi malayong madamay din ang Pilipinas sa nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Russia at ng Ukreain.
Ayon sa Pangulo, sakali man daw na masali na sa eksena ang Amerika, tiyak raw na madadamay rin tayo dahil sa relasyon natin ngayon sa Estados Unidos.
Paliwanag ni Duterte, batid umano ng ibang mga estado na mayroong mga naka-baseng US military sa Pilipinas kaya posibleng madamay din tayo.
Dagdag pa ni Duterte, isa rin sa tinitignang scenario ng giriang ito ay ang pagsali naman ng China kung saan ay pinangangambahan ang pag-atake nito sa Taiwan.
Sa ora aniya na maglunsad ng opensiba ang China sa Taiwan ay paniguradong madadamay din ang Pilipinas.
#
