ISANG 13 taong gualang na babae sa Tsina kamakailan ang ginulat ang kaniyang sariling pamilya dahil sa ginastos nito ang life savings nila dulot ng pagkalulong sa mobile games.
Nabigla na lamang ang nanay nito na si Gong Yiwang nang malaman nito na pitong sentimo na lamang ang laman ng kanilang savings account, araw na tinawagan siya ng guro ng kaniyang anak dahil sa mistulang pagkalulong nito sa mga mobile games.
Aabot sa 450, 000 yuan o katumbas lang naman ng nagkakahalagang 3.4 milyong piso ang inaksaya nito sa mangiba-ibang luho.
Ginamit ng dalaga ang debit card ng kaniyang ina kung saan minsan na itong nairehistro ng ina sa kaniyang telepono.
Naging dahilan din ito ng pambubully ng 10 kamag-aral ng dalaga nang malaman nila na nabibili niya ang kahit ano mang naisin nito kaya naman sinamantala nila ito dahilan para mapilit nila itong magbank transfer sa kanila.
Sa kasalukuyan ay naging usap-usapan ang pangyayaring ito kung saan umabot na rin sa mahigit 140 million views ito sa isang website kung saan una nang nailahad ang kuwento.|WENCY LISAY