Batangas City –
Nagbitiw na sa kaniyang posisyon ang bagong talagang Branch Manager ng Sto. Tomas City Prime Water.
Ito ay sa gitna ng isyu ukol sa matagal nang inirereklamo na hindi maayos na suplay ng tubig sa ilang barangay.
Kaugnay nito, wala namang pahayag ang mga staff ng Prime Water kung ano ang naging dahilan kung bakit nagbitiw agad sa kaniyang posisyon ang dating branch manager.
Samantala, agad namang pumalit sa posisyon bilang Branch Manager si Rogie Sacman.
Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang natatanggap na reklamo ng tanggapan tungkol sa mahinang suplay ng tubig sa nasabing lungsod.