LEGAZPI CITY – Pinasok ng mga magnanakaw ang isang tindahan ng mga cellphone sa RK Yanlee Enterprises, Brgy. Dunao sa lungsod ng Ligao na pagmamay-ari ni Lara Reis, 43-anyos at residente ng Rizal St. Guinobatan, Albay.
Ayon sa report, noong Linggo, bandang alas diyes nang umaga, personal na nagtungo ang si Jomar Balmedina Gaberia, 30-anyos, isang empleyado ng nasabing establisyimento, upang ireport ang panloloob ng hindi pa nakikilalang mga suspek.
Isa sa mga saleslady ng establisyimento na nagngangalang Rita Ribater, 25-anyos, residente ng Purok 4, Brgy. Tastas, Ligao City ang nakakita na ang ilang naka-display na cellular phones, load cards, at router tools sa nasabing tindahan ay halos nawawala na.
Dahil dito, agad niya umanong inireport sa may-ari ng tindahan at isinumbong sa awtoridad ang insidente.
Agad namang nagsagawa ng follow-up na imbestigasyon ang Ligao CPS para sa posibleng pagkakakilanlan at pag-aresto sa suspek.