Batang babae, natagpuang hubo’t hubad na nakalutang sa dalampasigan

Isasailalim sa autopsy ang kawatan ng siyam na taong gulang na batang babae upang malaman ang ikinamatay nito matapos matagpuang nakalutang sa dalampasigan.

Nangyari ito sa Purok Bituon, Barangay Tagdangua, Pantukan, Davao de Oro.

Kinilala ang bata na si Alyas Munik, residente ng Purok 6 Mangga, Brgy. Tagdangua

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Huling nakita si Muntik, Miyerkules ng gabi Agosto 14, nakita naman ang katawan nito pasado alas otso kinaumagahan.

Ayon kay Gerly Esparcia, tiyahin ng biktima, may sakit na epilepsy ang pamangkin na makailang beses na inatake at nawalan ng malay kaya halos wala silang tulog para mahanap ang biktima.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Mga mangingisda sa lugar ang unang nakakita sa biktima at laking gulat nilang tumambad ang katawan ng bata sa baybayin na walang saplot.

Naniniwala ang pamilya ng biktima may nangyaring masama sa kanyang pamangkin at posibleng ginahasa dahil sa mga nakitang pasa sa tiyan at sugat sa ulo.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng otoridad.