Dalaga, natagpuang patay sa Camarines Sur

Camarines Sur – Patay nang matagpuan ang dalaga sa creek sa Barangay May-ogob Ocampo, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat ng Ocampo Municipal Police Station dakong alas 7 ng umaga nitong Abril 16, 2024 ng madiskubre sa Creek ang bangkay ng biktimang si Danica Marie Pahate 18 taong gulang residente ng katabing barangay San Ramon Iriga City, ilang metro ang layo mula sa kanilang tahanan.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Sa panayam ng Brigada News Fm Naga kay Marydoll Villanueva panganay na kapatid ng biktima nagpaalam ang kapatid na mag coconnect lamang sa Piso Wifi umuwi saglit, lumabas pero hindi na nakabalik pa.

Napahagulhul na lamang ang kapatid pang si Mark Sonny nang makita na nasa kabaong ang dalaga.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Ayon sa imbestigador na si PSSG. Reimon Paaño inaalam pa nila ang impormasyon na nakita ito umano sa sayawan bago ang insidente, nakuhanan na rin ng pahayag ang mga huli nitong nakasama at nakachat sa social media, nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon sa insidente.

Hustisya ngayon ang sigaw ng pamilya at kaanak para Honor student, talented na si Danica na balang araw sana ay balak maging abogado.