Dalaga nagawang ibenta ang motorsiklo ng kanyang ama para makipagkita sa nakilala niyang lalaki online

Jakarta, INDONESIA– Ang social media ay tulay upang magkaroon tayo ng mga koneksyon mula sa malalayo nating kaibigan at mahal sa buhay.

Ito din ang nagsisilbing daan upang magkaroon tayo ng maraming kaibigan at kung misan kapag swenerte ay nakakahanap ng pag-ibig.

Katulad na lang ng isang babae mula sa bansang Indonesia na nakipag kita sa matagal na niyang hinahanggang lalaki na nakilala niya online.

Read More:  Rare Mindanao mangrove snake discovered in Davao Oriental

Dahil sa kagustuhan niyang makita ito, nagawa niyang ibenta ang motorsiklo ng kanyang ama para ipandagdag na pamasahe upang makapunta sa lungsod ng Jakarta.

Nakilala umano niya ang lalake sa isang online games at dahil sa kanyang kuryusidad na makita ito ng personal dahil na rin sa paghanga ay nagpumilit siya mapuntahan ito.

Read More:  Rare Mindanao mangrove snake discovered in Davao Oriental

Ngunit salungat nang kanyang inaasahan, hindi siya sinipot ng lalaki sa napag-usapan nilang lugar. Halos maglupasay ito sa walang tigil na kakaiyak.

Sinundan at dumating nalamang ang kanyang pamilya para sunduin siya ngunit hindi parin sumipot ang kanyang crush.

Ang pakikipag kita online ay hindi naman masama ngunit dapat muna nating siguraduhin kung ang katagpo mo ay totoo at ay may malinis na intensyon saiyo.### CHRISTINE RAÑA