CAMARINES NORTE- Pumalo sa 99 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte nitong weekend
Pinakamataas na kasong naitala sa lalawigan mula ng magsimula ang pandemya.
Nitong sabado naitala ang daily record high na 68 bagong kaso. 19 mula sa Daet, 13 ang naitala sa Labo, 11 sa Vinzons, 6 sa Sta. Elena, tig- 5 kaso ang bayan ng Basud at Jose Panganiban, 4 sa Talisay, 3 sa San Lorenzo Ruiz at 2 mula sa bayan ng Paracale
Samantala, kahapon 31 panibagong kaso ang naitala, 15 dito ay nagmula sa bayan ng Labo. 7 sa Daet, tig-3 kaso ang Basud at Sta. Elena habang may tig-i-isang kaso ang Jose Panganiban, Talisay at Vinzons
Bunsod nito, sumampa na sa 1779 ang total cases ng COVID- 19 sa lalawigan 438 dito ay aktibong kaso
Nanatili naman sa bilang na 1262 ang mga gumaling sa sakit at 79 na pagkasawi dahil sa COVID-19
Ang Camarines Norte sa ngayon ang pangatlo sa may pinakamaraming aktibong kaso sa rehiyon.

