Daily average sa COVID cases sa NCR, patuloy na bababa sa 3k, kung…

Patuloy pa umanong bababa ang daily average ng COVID-19 cases sa Metro Manila sa 3,000 sa mga susunod na linggo, kung ang reproduction rate na 0.85 ay mananatili.

Pero ayon sa OCTA Research Group, sakaling muling tumaas naman ang reproduction number, ang kasalukuyang quarantine restrictions sa NCR Plus bubble ay kailangang i-reevaluate.

Mababatid na ang Navotas city ang nagtala ng pinakamababang average daily attack rate (ADAR) sa 12.36 per 100,000, sinundan ng Manila sa 15.62 ADAR, habang pumangatlo ang Caloocan sa 16.08 ADAR.

Kaugnay nito, pang-apat ang Muntinlupa na may 16.27 ADAR, Malabon ang pang-lima sa 16.33, sinudan ng Pasay, at Quezon City na mayroong 20.13 at 21.00 average daily attack rate.

Binigyang diin naman ng OCTA Research, na ang ADAR na 10 per 100,000 ay mataas parin. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *