NAGA CITY- Naobserhaban kahapon ang dagsa ng mga sasakyang pabalik ng Maynila lalo na sa Del Gallego Camarines Sur papasok ng Camarines Norte at probinsya ng Quezon.
Ito ang ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni PLt. Junny Cris Curba, Officer-in-Charge ng Del Gallego Municipal Police Station. Aniya, ang volume ng pabalik nitong Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay ay pareho ng pumasok noong Miyerkules at Huwebes Santo. Kita rin ang dami ng sasakyan sa Quezon na mula sa iba’t-ibang lalawigan sa Bicol. Tunay aniyang nagbalik na ang mga dating ginagawa tuwing Semana Santa, hindi lamang mga aktibidad ng simbahan kundi ang mga pagtitipon ng mga pamilya.
Naka standby ang ambulansya sa border, gayundin ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection- Del Gallego na handang rumisponde.