Dagdag-presyo sa produktong petrolyo, muling ipapatupad

Muling magpapatupad ng dagdag presyo sa produktong gasolina at diesel ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng Pilipinas Shell, PTT Philippines, Petron, Petro Gazz at Seaoil magkakaroon ng dagdag presyo na P0.60 sa kada litro ng gasolina at P0.10 sa kada litro ng diesel.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Habang nagtapyas naman ng katiting sa kerosene na P0.05 kada litro.

Samantala, naglabas na din ng abiso ang Cleanfuel ng kaparehong dagdag presyo sa kada litro ng gasolina habang wala naming paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ito na ang ika-anim na sunod na linggo na nagpatupad ng oil price hike sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa.