Dagdag presensiya ng kapulisan sa kalsada, tiniyak ng bagong hepe ng Cuayan City PS

Tiniyak ng bagong hepe ng Cauayan City Police Station ang karagdagang presensiya ng mga kapulisan sa lunsod.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLTCOL. Sherwin Cuntapay, isa umano ang karagdagang presensya ng kapulisan sa lansangan ang hiniling ni Cauayan City Mayor Bernard Dy sa kaniyang panunungkulan.

Aniya, agad itong inilatag at sa katunayan ay mayroon nang na deploy na karagdagang mga patrolers ng istasyon sa lunsod.Asahan umano ang mga random checkpoints sa kalunsuran upang mapanatag ang publiko at agarang matugunan ang anumang criminal activities na magaganap.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon pa kay Plt.Col Cuntapay, bahagi rin umano ito ng pagsunod sa isinusulong ngayon ng Police Regional Office 2 na 3N o nakikita, nararamdaman at nagugustuhan ng bayan ang mga kapulisan.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Bukod pa rito ay mananatili rin aniya ang mga kasalukuyang mga proyekto ng PNP Cauayan at kung may mga maaring maidagdag para sa ikagaganda nito ay kanilang ipatutupad.

Nagpasalamat naman ang hepe sa suportang ibinibigay ng LGU Cauayan sa kapulisan.Samantala, hinikayat din niya ang mga mamamayan na makiisa at tulungan ang kapulisan sa pagpapanatili ng peace and order situation sa lunsod.