5 dating rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan. makatatanggap ng financial assistance mula DILG RO2

Makakatanggap ng cash assistance ang 5 nagbalik loob sa pamahalaan na dating miyembro ng CPP-NPA-NDF mula sa Department of Interior and Local Government Region 2.

Ito ang inihayag ni DILG Isabela head Engr. Corazon Toribio kung saan bukod sa 15,000 cash assitance ay maaring makatanggap rin ang mga ito ng 50,000 livelihood assistance mula sa kanilang ahensiya.

Inihayag naman ni Isabela Governor Rodito Albano na patunay umano ito na mayroong tiwala ang mga ito sa pamahalaan na mabibigyan ng pag-asa ang kang kanilang pamilya at umunlad ang estado ng pamumuhay.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ibinihagi naman ni Vice Governor Bojie DY III na pinag-iisipan na ang paglalatag ng mga scout ranger o forest rangers sa kabundukan bilang katuwang ng mga kapulisan at sundalo sa pagbabantay sa kabundukan kung saan maaring buuin ito ng mga dating rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan.

Samantala, tiniyak naman ng Philippine Army ang seguridad at kaligtasan ng mga ito mula sa dating mga kasamahan nito.

Magugunita na nagbalik loob ang naturang limang dating rebelde sa pamahalaan noon Hunyo sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng IPPO, 502nd brigade at 95th infantry batallion at patuloy na pagsasagawa ng NTF-ELCAC ng peace nand development operations sa lalawigan ng Isabela upang mapantili ang peace and order security.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Batay naman sa salaysay ng mga sumukong rebelde ay nakaranas umano ang mga ito ng paghihirap, pang-aabuso, hinahayaang nagkakasakit at hindi natupad na pangakong pag-aralin sa kabundukan ng sirra madre habang sila’y nasa loob ng makakaliwang pangkat taliwas sa mga ipinangakong maayos na buhay.