𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚 𝗣𝗢𝗡𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗪𝗔𝗧 𝗟𝗚𝗨, 𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘𝗦 Pinaalalahanan ni Union of Local Authorities of the Philippines President at Quirino Governor Dakila Carlo “Dax” Cua ang mga local leaders na gamitin ng wasto ang dagdag na pondo ng mga Local Government unit lalo na sa mga social services.
Makakatanggap ng mas mataas na pondo ang mga LGU sa susunod na taon base sa inilabas na abiso ng Department of Budget and Management.
Ang national tax allocation ng mga Local Government Unit sa susunod na taon ay 1.03 trillion pesos mas mataas ng 18.7 percent mula sa P871.38 billion ngayong taon. , patunay ito na gumaganda na ang ekonomiya ng bansa.
Ayon sa opisyal, kinakailangan na maramdaman ng mga Pilipino sa pamamagitan ng ibat ibang programa ang pondong ibinababa sa mga LGUs.
Kinakailangan na gumawa ng pang matagalang programa na makakatulong sa mga mahihirap na mamamayan.