𝟯𝟳-𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟-𝗟𝗢, 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗦 Nakuha sa pag-iingat ng isang lalaki ang droga at bala ng baril sa ikinasang anti-illegal drug buy bust operation kahapon sa Brgy. Catugan, Lallo, Cagayan.
Nabentahan ng suspek na si alyas Rendon, 37-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar ang isang miyembro ng operatiba na nagpanggap na poseur buyer ng droga na nagresulta ng kaniyang pagkakaaresto.
Nasamsam sa suspek ang iba pang kontrabando na kinabibilangan ng isang pakete ng shabu, isang sling bag na naglalaman ng marijuana, tatlong piraso ng bala ng caliber .45, isang lighter, cellphone, at ang ginamit na motor sa transaksyon.
Dinala ang suspek sa Lallo Police Station at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa kaniya