Dagdag pondo para sa nutrisyon ng bawat barangay hangad ng ilang mga punong barangay sa Naga City

NAGA CITY – May plano ngayon ang ilang punong barangay sa Naga City na padagdagan ang kanilang budget para sa nutrition program sa layuning mas pang mai-angat ang anumang mga programa sa kalusugan lalo na doon sa mga lugar na may isyu ng malnutrisyon.

Sa ngayon ang bawat barangay sa lungsod ay regular na nagkakaroon ng feeding program na kung saan karaniwan ay goto na may itlog, macaroni at spaghetti na inaayawan na rin minsan ng mga bata dahil sa ganito na lang palagi ang menu nilang nakakain.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Nakausap ng Brigada News FM Naga si Punong Barangay Domingo Ramos ng Pnicuason, isa sa unang nabanggit na may mataas na kaso ng stunted, sinabi niyang kulang o limitado lamang ang budget nila sa nutrition program kaya laging goto, o kaya macaroni ang ipinapakain nila sa mga bata.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ang plano niyang ito ay idudulog niya sa liga para mapag-usapan dahil hindi lang naman siya ang may reklamo kundi maging ang mga kasamahan niyang punong barangay.