Balasahan sa NBI – namumuro ayon sa DOJ

Asahan na ang shuffling sa pamunuan at mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ito ang tiniyak ni Justice spokesperson Mico Clavano matapos ang sunud-sunod na kontrobersyang kinahaharap ng tanggapan.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Kabilang na rito ang maka-ilang beses na paglabas-pasok ng NBI detainee na si Jad Dera.

Sa isang panayam, sinabi ni Clavano na magkakaroon ng pagbabago sa security management section ng NBI.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Una rito ay nasibak na ang mga NBI personnel na nagpalaya kay Dera.

Sa ngayon, hinihintay na lang umanong matapos ang mga dokumento at imbestigasyon hinggil sa ‘road trip’ ni Dera.