Daan-daang fresh graduates sa probinsya ng Camarines Norte naka-avail ng libreng let review mula sa Provincial Youth Development Office

CAMARINES NORTE – Naka-avail ng libreng LET Review ang daan-daang fresh graduates sa Camarines Norte matapos maglunsad ang Provincial Youth Development Office ng libreng LET review para sa lahat ng Bachelor of Education Graduates.

Inilunsad ang pinaka-unang session nito noong Hulyo 15, 2023, at regular na gaganapin tuwing weekend hanggang Setyembre 17, 2023, sa Agro Sports Complex, Provincial Capitol, Daet, Camarines Norte.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Bukod sa reviewer ay may kalakip ding home identification Card, T-shirt, school supplies, at libreng meryenda ang nasabing kaganapan kasama ang kaalaman, adhikain, at tapang na magagamit nila sa buong paglalakbay nila.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ang aktibidad na ito umano ay inisyatiba ng Provincial Youth Development Office para sa pagpapalakas ng mga kabataan saa pamamagitan ng pamumuno ng kasalukuyang administrasyon.