Mga negosyong contaminated ang tubig, pinatitigil ng operasyon sa Camaligan, Camarines Sur

NAGA CITY – Istriktong pinatitigil ng Lokal na Pamahalaan ng Camaligan, Camarines Sur, na mag-operate ang mga water refilling station at mga kainan sa bayan na namomonitor na contaminated na ang tubig na ginagamit.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Municipal Health Officer Dr. Nonoy Severo, Kung saan, isa o dalawa ang nakikitaan nila sa twice a month na regular water testing na ginagawa ng Sanidad kasama ang opisina na agad naman nilang inaabisuhan na linisan ang mga water tank maging pinagkukunan ng tubig. Saka na lamang pinababalik operasyon kapag may negatibo nang resulta.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire
Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Maliban kasi na makapagbigay ng malinis na tubig o magandang serbisyo, paraan din ito upang maiwasan ang posibleng outbreak ng iba-ibang sakit kagaya ng binabantayang sakit na diarrhea at cholera.