DA Sec. Laurel, iginiit na economic sabotage ang mga reklamo hinggil sa mga biniling ASF vaccine

Iginiit ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na economic sabotage lamang ang mga reklamo hinggil sa mga bakunang binibili kontra African Swine Fever.

Mababatid, na bumili ng bakuna ang Department of Agriculture sa Vietnam kung saan aasahan ngayong linggo ang 150,000 doses ng gamot bagay na kinuwestiyon ng Ombudsman kaugnay ng importation field trial at resgistration ng nasabing bakuna.

Read More:  De Lima says senate not a ‘sanctuary’ for Bato

Ayon sa DA, dahil sa inihaing reklamo posibleng maudlot na naman ang pagbabakuna kontra ASF pero pipilitin ng ahensya masimulan pa rin ito sa ground zero ng ASF ang Batangas kung saan marami ang kaso ng naturang sakit.

Read More:  ‘I still have the floor!’ Pangilinan, Padilla clash inside Senate chamber

Nauna ng sinabi ng BAI na nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang bansa para sa suplay ng ASF vaccine sa Pilipinas.