DOJ, iimbestigahan ang umanoy P2-M suhol ng Guo family para makalabas ng bansa

Iniimbestigahan ng Department of Justice ang nangyari umanong suhulan para makalabas ng bansa ang pamilyang Guo.

Ito ay kasunod ng ibinunyag ni Sen. Risa Hontiveros na mayroon umano siyang natanggap na impormasyon na nagbayad ang Guo family ng P2 milyon para makalabas ng bansa.

Read More:  ₱56.6M shabu seized at NAIA; Two Filipinas arriving from Cambodia arrested

Mababatid sa nangyaring pagdinig sa Senado nitong Martes, i-kwenento ni Shiela Guo kung paano sila nag palipat-lipat ng sasakyan para makapunta sa Malaysia sa loob ng tatlong araw.

Read More:  CHED open to suggestions on proposed Reframed General Education curriculum

Naniniwala naman si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na gumastos ng malaking halaga ang mga Guo dahil sa bilis ng proseso sa pagpunta ng mga ito sa Malaysia.