Pinalawig pa ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang controlled vaccination laban sa African swine fever (ASF) sa mga commercial farms dahil sa mababang partisipasyon ng mga backyard hog raisers.
Kasama sa trial ang mga farm na bahagi ng INSPIRE program ng gobyerno.
Naglabas na ng Administrative Circular No. 8 si Laurel na nagbigay ng karagdagang patnubay sa paggamit ng ASF vaccines.
Samantala, may P350 million na nakalaan para sa 600,000 doses ng vaccine kung saan 10,000 doses ang binili sa emergency procurement dahil sa ASF outbreaks sa Batangas.