EJK-free na bansa, hindi mangyayari hangga’t walang accountability sa nakaraang administrasyon ayon sa isang Human Rights Group

Hindi mangyayari ang Extra Judicial Killings o EJK-free na bansa hangga’t walang accountability sa mga naganap na karahasan, hindi lamang sa panahon ni Marcos kundi pati na rin sa nakaraang administrasyon.

Ito ang sinabi ni Human Rights Watch – Asia Division Senior Researcher Carlos Conde kasunod ng naging pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na target niyang maging EJK-free ang Pilipinas.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Conde, sinabi nitong kailangan muna na mapanagot ang mga nagkasala noon.

Nanindigan din siyang dapat ay mayroong third party na magi-imbestiga sa mga isyung ito, at hindi lamang aasa sa PNP invesigation sa kanila mismong mga kabaro.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Sa ngayon, bagamat nabawasan naman na raw ang mga patayan sa kasalukuyang administrasyon – kailangan pa ring mapanagot ang mga nasa likod ng state-sanctioned killings.

Wine-welcome din daw nila ang unti-unting mga nagsisilabasang expose sa mga pagdinig ng Kamara hinggil sa mga anomalya ng drug war.