Pinalusot na rin ni Senate Committee on Finance, Subcommittee B, Chairperson, Senadora Cynthia Villar ang 2025 proposed budget ng Department of Agrarian Reforms matapos ang ikalawang sesuon para rito.
Pero bago ito, humingi muna ng update ang senadora sa Environmental Management Bureau hinggil sa pagsasampa ng kaso sa naging oil spill sa Bataan.
Bilang tugon, ayon sa EMB, susubukan nilang makapaghain ng kaso laban sa Shogun Ships Co., Inc. bago matapos ang taon.
Samantala, bago tuluyang matapos ang pagdinig, ibinahagi ni Villar na lusot na rin ang hiling na pondo ng Department of Public Works and Highways habang mananatiling hindi pa lusot ang budget ng Department of Health dahil sa kakulangan ng dokumentong naisumite sa komite.