DA kumikilos na para maiwasan ang pinangangambahang food crisis sa Pilipinas

Kumikilos na ang Department of Agriculture upang tugunan ang pinangangambahang food crisis sa bansa na epekto sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Paliwanag ni Agriculture Sec. William Dar nagsumite na sila ng action plan tatlong buwan na ang nakakaraan at agad naman itong inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Kabilang dito ayon kay Dar ang pagpapalakas ng lokal na produksiyon ng pagkain sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Naglaan din ang DA ng P20-billion para sa fertilizer subsidy ng mga magsasaka sa buong taon, at P9-billion pondo para sa wet-season planting ng palay.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Maliban dito kasado na rin umano ang mga mitigating measures sakaling mas lumala pa ang krisis na epekto ng pandemya at giyera sa Ukraine katulad nang ibinabala ng Philippine Chamber of Agriculture and Food.