Catanduanes, mananatili pa rin sa Alert Level 1 COVID-19 status, simula June 1 hanggang June 15

BNFM BICOL- Mananatili pa rin sa Alert Level 1 ang COVID-19 status sa islang lalawigan ng Catanduanes simula June 1 hanggang June 15, 2022 batay sa ibinabang Alert Level Classification ng Inter-agency Task Force.

Ang naturang lalawigan ay nananatili sa mababang lebel ng estado o sitwasyon sa COVID-19 dahil na rin sa mababang bilang ng mga naitatalang kaso ng sakit.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Batay sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office as of May 27, 2022, mayroon lamang dalawang aktibong kaso ng sakit ang lalawigan na pawang mula sa bayan ng Virac.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Samantala maliban sa Catanduanes, nananatili ring nasa ilalim ng Alert Level 1 ang lalawigan ng Albay at ang Naga City habang ang natitirang mga probinsya at lungsod sa Bicol ay nasa ilalim pa rin ng Alert Level 2.###