Pinaghahanda ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka at mangingisda sa posibleng maging epekto ng Bagyong #KristinePH.
Abiso ngayon ng DA sa mga magsasaka na i-harvest na ang mga mature crops, at gamitin ang mga post-harvest facilities.
Pinatitiyak din nito na ang seed reserves, mga kagamitan sa pagtatanim, at iba pang farm inputs ay nasa maayos na storage areas.
Binigyang-diin din ng ahensya na dapat masiguro ang pakain at tubig para sa mga ni-relocate na mga hayop.
Para naman sa mga mangingisda, mabuting ilagay sa mataas na lugar ang mga fishing vessels.
Paalala rin ng tanggapan na huwag nang pumalaot tuwing masungit ang panahon.