6-year-old, binugbog-patay at itinapon sa excavation site sa Tacloban

Nanawagan ngayon ng hustisya ang pamilya ng anim na taong gulang na batang natag-puang patay sa may excavation site sa Rotonda ng Brgy. Cabalawan Tacloban City.

Inakala nung una, na nalunod lamang preschooler na biktimang si alyas ‘Bembem’, ngunit lumabas sa autopsy report na posibleng binugbog muna ang bata bago itinapon sa nasabing excavation site.

Read More:  Loud sound at Isulan school was not gunfire, Governor says; faulty wiring suspected

Ayon sa imbestigasyon – alas-3 ng hapon nung October 17 nawala ang biktima habang nakikipaglaro sa kanyang mga kaibigan.

Kinagabihan, nakita nalang itong wala nang buhay sa may escavation site na ilang metro lamang ang layo mula sa bahay ng biktma.

Read More:  6ID vows justice for two fallen soldiers killed in Sultan Kudarat shooting

Sa ngayon, inaalam na ng mga kapulisan kung sino ang huling mga nakasama ng biktima, at kung sino nasa likod sa karumal-dumal na krimen. (WITH REPORT FROM JASON DELMONTE – 93.5 BNFM TACLOBAN)